Sa Waiterio app, ang topping ng isang putahe ay tinatawag na ekstra.
Puwede kang magdagdag ng ekstra/topping sa anumang item sa menu o sa isang buong kategorya ng menu.
Halimbawa, kung gusto mong idagdag ang ekstra/topping na Olibo sa item sa menu na Margherita, kailangan mong sundin ang mga hakbang na ito:
- Buksan ang Waiterio app at mag-log in
- I-tap ang tab na Menu
- I-tap ang item na Margherita. Ang mga user lang na may tungkuling admin, may-ari o manedyer ang puwedeng mag-edit ng menu
- Sa ibaba ng page ng item, i-tap ang Mga ekstra (ang hilera na may tandang +) para buksan ang Magdagdag ng bagong ekstra
- Ilagay ang pangalan ng ekstra/topping
- Ilagay ang presyo ng ekstra/topping. Puwede kang maglagay ng 0 para sa libreng ekstra/topping.
- I-tap ang button na I-save
- Magagamit mo na ngayon ang ekstra/topping na iyon sa anumang bagong order
Puwede kang magdagdag ng ekstra/topping sa isang buong kategorya ng menu.
Maidaragdag mo ang ekstra/topping na iyon sa anumang item ng kategoryang iyon sa anumang bagong order.
Puwede mong idagdag sa anumang bagong order ang mga ekstra/topping na bahagi na ng menu
Halimbawa, kung nagdagdag ka ng ekstra/topping na Olibo sa isang item na Margherita ang pangalan, puwede mong sundin ang mga hakbang na ito para magamit ang ekstra/topping sa isang bagong order:
- Buksan ang Waiterio app at mag-log in
- Mula sa tab na Mga Order, i-tap ang berdeng button na may tandang + sa kanang ibabang sulok
- I-tap ang item na Margherita para idagdag ito sa order
- Kung hindi lumalabas ang mga ekstra/topping sa ilalim ng Margherita, i-tap ang icon na binubuo ng tatlong pahalang na tuldok sa tabi ng Margherita
- I-tap ang + Olibo para idagdag ang ekstra/topping na ito
- I-tap ang Ipadala para ipadala ang order sa kusina at sa iba pang device ng iyong restaurant
Gamitin ang mga tala para sa mga pasadyang putahe na pang-isang beses lang
Minsan, humihiling ang mga customer ng espesyal na pagbabago sa isang putahe na hindi pa nakalista bilang ekstra/topping.
Puwede kang magdagdag ng tala sa anumang item ng isang order para sa mga espesyal at pang-isang beses na kahilingang ito.
- Buksan ang Waiterio app at mag-log in
- Mula sa tab na Mga Order, i-tap ang berdeng button na may tandang + sa kanang ibabang sulok
- I-tap ang item na Margherita para idagdag ito sa order
- Kung hindi lumalabas ang + Magdagdag ng tala sa ilalim ng Margherita, i-tap ang icon na binubuo ng tatlong pahalang na tuldok sa tabi ng Margherita
- I-tap ang + Magdagdag ng tala, ilagay halimbawa ang 'walang keso', at i-tap ang Magdagdag
- I-tap ang Ipadala para ipadala ang order sa kusina at sa iba pang device ng iyong restaurant