Puwede kang mag-print ng mga resibo at order gamit ang isang USB thermal printer na nakakonekta sa iyong computer.
- I-download ang pinakabagong bersyon ng Waiterio:
I-download para sa Windows
I-download para sa macOS - I-install at buksan ang Waiterio application, at mag-log in dito
- Pumunta sa tab na Pagpi-print at i-click ang button na Magdagdag ng printer
- I-set ang field na protokol sa ESC POS
- I-set ang field na koneksyon sa usb
- Maglagay ng pangalan para sa iyong printer
- I-click ang button na I-save
- I-click ang bagong printer na kalalabas lang sa tab na Pagpi-print
- Siguraduhing naka-on ang iyong printer at nakakonekta ito sa iyong computer gamit ang USB cable
- I-click ang button na I-print ang sampol
- Kung pumalya ang pag-print, sundin ang mga karagdagang hakbang sa ibaba:
Mga karagdagang hakbang sa Windows
Sa Windows, kailangan mo ring i-install ang WinUSB driver sa pagsunod sa mga hakbang na ito:
- I-download, i-install, at pagkatapos ay buksan ang Zadig tool
- Sa menu sa itaas, i-click ang Options at piliin ang List all devices
- Mula sa kulay abong dropdown sa itaas, sa ilalim ng menu na ginamit mo sa naunang hakbang, piliin ang iyong USB device sa listahan
- Mula sa puting dropdown, piliin ang WinUSB
- I-click ang button na Replace Driver
Mga sinusuportahang printer
Puwedeng gumana ang Waiterio sa anumang thermal printer na gumagamit ng protokol na ESC POS.
Kailangang alam na ng Waiterio application ang USB vendor id ng iyong thermal printer para ma-detect ito
Ito ang mga brand ng thermal printer na kaya nang i-detect ng Waiterio:
- Bixolon
- Brother
- Ecprinter
- Elgin
- Epson
- Excelvan
- Hengstler
- Jprinter
- Metapace
- Nuvoton
- RongtaTech
- Seiko
- Shenzhen Hoin Electronics
- Star Micronics
- Symcode
- Tysso
- UUbar
- Xiamen Jijing Electronics
- Xprinter
- Zebra
Kung hindi nade-detect ng Waiterio ang iyong thermal printer at/o wala ito sa listahan sa itaas, kailangan mong alamin ang USB vendor id at product id nito at ipadala ang mga ito sa amin.
Mga mobile device
Mahirap ikonekta nang direkta ang mga USB thermal printer at ang mga mobile device.
Inirerekomenda naming ikonekta mo ang iyong USB thermal printer sa isang computer na magsisilbing proxy sa pamamagitan ng pag-print ng mga order na ipinadala mula sa mga mobile device, kung naka-set sa Oo ang field na Mag-print ng mga order ng printer. Kailangang hindi naka-sleep ang computer at tumatakbo rito ang Waiterio application.
Kung mga mobile device lang ang kailangan mong gamitin at walang computer, kailangan mong kumuha ng Ethernet o Wi-Fi thermal printer.